Miyerkules, Abril 11, 2012

Bestfriend Vs. Crush (A request by Danica Viray) :)

Best friends. Yung tipong halos araw-araw kayo magkasama, sobrang mahal nyo isa't isa, lagi kayong anjan para sa isa't isa pero di kayo mag-on. Ang sarap ng feeling ng may bestfriend no? Yung feeling na hindi ka nag iisa. Yung feeling na may magtatanggol sayo. Yung feeling na may nasasabihan ka ng sikreto. Yung feeling na MAY TUTULONG SAYO PARA MAPALAPIT KA SA CRUSH MO. Lalo na kung nagbabalitaan kayo sa mga crush nyo, ganun ganun. Ang saya magkaroon ng bestfriend no? Pero paano kung yung crush ng bestfriend mo biglang naging crush mo din? Halaaaa, patay tayo diyan! Ang hirap mabuhay pag ganun, no? Di mo na alam kung ano gagawin mo, at kung paano mo sasabihin sa bff mo. Siguro nakakatakot sabihin sa bestfriend mo kasi baka sabihin na ang landi mo at kung anu ano pang wala sa lupang mga salitang bibitawan nya....kung siya ay OA pero kung hindi siguro magtatampo lang yun. MWAHEHEEZ. I mean hello crush lang yun di yun shota. =)) Pero how if seryosong crush? Yung tipong feeling mo siya na talaga kaso may hadlang. Tapos ang hadlang yung bestfriend mo pa! Ay, jusko po. Alam mo kung ano dapat gawin? Gusto nyo ng kumplikado pero epektib(kunware) na paraan para malaman? Yuko ka tapos pikit ka. Ta's tingala ka. ta's yuko ulit. Ta's ikot mo ulo mo. Joke lang. Onting exercise lang bago mag isip. Anyway...meron tayong to do list para malaman natin kung sino ang ating pipiliin. :)) Antaray kelangan may lista...First! Isipin kung anong pagkakaiba sa klaseng happiness ang nabibigay ni bestfriend at ni crush. Syempre, una sa lahat kailangan mo malaman kung paano ka napapasaya ni bestfriend..... Syempre madami kang isasagot jan. May kasundo ka sa mga trip.... kahit sobrang pangit mo mahal ka padin nya.. Ta's kahit ang tanga mo andiyan padin sya sayo. Ta's sobrang saya nyo kahit nagkekwentuhan lang! May karamay ka sa lungkot at problema.. Eh si crush? Nakakakilig kaso di mo naman alam kung gusto ka niya. Kung sakaling MU kayo o sa tingin mo ikaw lang gusto nya forever? Sa tingin mo kung pumangit ka gusto ka padin nyan? Di mo din alam kung sigurado na siya sa nararamdaman nya, eh. Grabe ambitter eno..Second! Isipin kung kawalan ba sya o hindi. Si Bestfriend... oo naman. Sobra sobra. Siguro naman di kayo magiging bestfriend kung kahapon lang kayo nagsama diba? Eh halos years na din ata pinagsamahan nyo tapos ipagpapalit mo lang siya sa isang babae o lalaking wala kang kasiguraduhang nasayo hanggang gumuho ang mundo. Eh si crush kahit mawala yan, makakahanap ka ng bago. Jusko, nabuhay ka ng wala si crush pero si bestfriend nakoo.. mahirap pag walang bestfriend. Oh see, kala mo ang haba dalawa lang naman pala. :)) Anyway, gusto ko lang iprove na... wag natin ilevel ang ating mga kaibigan sa mga crush or whatever natin. Si bestfriend di ka nyan sasaktan. Sana ganun ka din sa kanya. Kaya mahalin natin ang ating mga kaibigan more than our lovers. At least sa kanila... may forever talaga. :) Mas maraming mahahalagang bagay kesa sa mga crush crush na yan. Jusko. Bata bata pa natin. WAJEJE ANSAVEH TALAGA?! =)) Gumaganon! Anyway, stay happy!! Make the RIGHT decisions! ♥

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento